Application Process

MGA MAHALAGANG PAALALA PATUNGKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE APPLICATION PROCESS PARA SA MGA MAG-AARAL NA NASA KOLEHIYO NGAYONG 1ST SEMESTER, S.Y. 2021-2022

  1. I-click and "NEW APPLICATION" button para makapag-register. Isang beses lamang ito maaaring gawin ng aplikante upang maiwasan ang duplicate entries.
  2. Basahin at unawaing maigi ang mga isinasaad sa form at siguraduhing tama ang lahat ng impormasyon na iyong ilalagay. Sundan lamang ang on-screen instructions hanggang sa huling bahagi at tandaan ang iyong tracking number dahil ito ang iyong gagamitin para makita ang iyong application status sa pamamagitan ng "TRACK APPLICATION" button.
  3. Ang lahat ng application ay dadaan sa ibayong pagsusuri ng komite at ang makakatanggap lamang ng application form via email ay ang mga nakuhang beneficiaries ng programa. Mangyaring antabayanan lamang ang naturang email at sundin ang mga ibibigay na detalye patungkol sa pagpapasa mga requirements.

Hinihikayat ang lahat na ihanda lamang ang mga requirements matapos matanggap ang application form upang maiwasan ang paggastos at paglalakad ng mga dokumento nang hindi pa sigurado kung nakapasok ang aplikante sa programa o hindi.

Para sa anumang mga katanungan, magpadala lamang ng mensahe sa numerong 0968-854-7611 o Aurora Province Educational Assistance FB Page (www.facebook.com/pga.educ.assistance).

Provincial Government of Aurora

Educational Assistance for College Students

Online Pre-Application

1st Semester, S.Y. 2021-2022
Kumakalinga, banner